Kinilala bilang Best Actor in a Leading Role ngayong taon ng Cinemalaya si Martin del Rosario para sa kanyang pagganap bilang Neil sa pelikulang “Tayo Lang ang Nakakaalam.”
Tinanggap ni Martin ang kanyang tropeo sa awarding ceremony na ginanap sa Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City.
Sa pelikulang ginampanan niya ay isang gay man na nag-aalaga sa kanyang partner na si Bong, na may HIV.
Pinili ng dalawa na panatilihing pribado ang kanilang relasyon dahil sa pangamba sa panghuhusga ng lipunan.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Martin ang buong cast at crew ng pelikula at sinabi niyang ito ang kanyang unang Cinemalaya Best Actor award.
Binigyang-diin din niya ang mensahe ng pelikula tungkol sa mga hamon na kinakaharap ng LGBTQ+ community at hinimok ang publiko na wakasan ang stigma laban sa LGBT at mga taong may HIV.
Samantala, nakuha rin ng cast nina Epy Quizon, Yayo Aguila at Miguel Ordon ang Best Ensemble Performance.
Nagwagi rin ang “Tayo Lang ang Nakakaalam” sa Best Cinematography at Best Sound categories.










