Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Developmento (DSWD) si Valenzuela City First District Rep. Rex Gatchalian.
Sa kaniyang social media, pinasalamatan ng mambabatas ang pangulo dahil sa pagtatalaga sa kaniya sa posisyon.
Tiniyak niya sa kaniyang mamamayan sa Valenzuela na tuloy pa rin ang trabaho at magtatalaga ng caretaker ang House of Representatives sa mga susunod na araw.
Mainit naman na tinanggap ng DSWD si Gatchalian bilang bago nilang kalihim kung saan tiniyak nila ang pakikipagtulungan sa kalihim.
Pinalitan ni Gatchalian si Erwin Tulfo na dalawang beses na na-bypass ng Commission on Appointments noong nakaraang taon dahil sa pagkuwestiyon sa kaniyang US citizenship at ang kaso nitong libel case.
Pansamantalang itinalaga sa DSWD si Undersecretary for Special Projects, Eduardo “Edu” Punay.
















