-- Advertisements --
image 117

Bumuo ng isang task force ang City Government of Valenzuela upang tutukan ang maayos na pagpapatupad ng EO39 o kautusan ni PBBM na maglatag ng price cap sa bentahan ng bigas.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, ang task force ang siyang mag-iikot sa ibat ibang bahagi ng lungsod upang mag-inspeksyon sa presyo ng kanilang mga panindang bigas.

Layunin din nitong maprotektahan ang mga consumer mula sa manipulasyon ng presyo o pananamantala sa presyo ng bigas.

Tiniyak naman ng Alkalde na kasabay ng pagbabantay nila sa presyo ng mga panindang bigas ay isusulong ang pantay na pagtataguyod sa interes ng mga consumer at mga negosyante.

Ani Mayor Gatchalian, susundin din nila ang tamang proseso sa implementasyon sa naturang kautusan, kasama na ang pagprotekta sa mga vendor na tiyak na maaapektuhan dito.

Ngayon araw ay opisyal nang ipinatupad ang price ceiling sa bigas, sa likod ng pagtutol ng ilang mga grupo ng mga magsasaka at mga retailers.