-- Advertisements --

Tiniyak ni National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., na kanilang papanagutin sa batas ang mga indibidwal na tinaguring mga “vaccine hoppers.”

Ito’y matapos may mga indibidwal na nahuli dahil sa pagpapaturok ng ikatlong shots ng Covid-19 vaccine sa kabila na nakakumpleto na ang mga ito ng kanilang 2nd shots.

Sinabi ni Galvez, na ang vaccine hopping ay illegal habang ang vaccine hoppers ay itinuturing na immoral.

“Lahat ng bakuna ay itinuturing nating ginto at hindi basta-bastang sinasayang dahil ang gusto natin ay lahat ng Pilipino ay mabakunahan,” pahayag ni Sec. Galvez.

Ayon sa kalihim, napakahirap ng mga kababayan natin na nasa mga far-flung areas na hindi pa nabakunahan ng first dose, tapos ang mga vaccine hoppers ay may third dose o booster shots na.

Binigyang-diin ng kalihim,target ng gobyerno mabakunahan ang mga kababayan natin na sa GIDAs areas ( geogrpahically isolated and disadvantaged areas).

Sa ngayon iniimbestigahan na ang vaccine hopping incidents.

Nagbabala naman si Galvez na ang mega vaccination sites sa Nayong Pilipino ay hindi maaaring gamitin ng mga vaccine hoppers.