Iminungkahi ni House Deputy Speaker Michael Romero na gawing 24/7 na bukas ang mga vaccination centers sa bansa para mapalakas pa lalo ang laban ng Pilipinas kontra COVID-19 pandemic.
Hinimok ni Romero si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ikonsidera rin ang recruitment ng marami pang vaccinator para sa 24-hour vaccine facilities.
Nakikita ng kongresista na maiiwasan ang dagsaan ng mga tao sa mga vaccination sites kung gawing 24/7 ang operasyon ng mga ito.
Sa ganitong paraan din nakikita niya para maagang makamit ng pamahalaan ang inaasahan na herd immunity.
Samantala, sinabi ni Romero na dapat ay ayusin ng PNP at ng mga barangay units ang issue sa seguridad sa mga vaccine centers.
Para na rin matiyak na lahat ay palaging sumusunod sa health protocols sa gitna ng pandemya.