Binatikos ng Volunteers Agaisnt Crime and Corruption (VACC) ngayong araw si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon kaugnay sa pagtanggi nitong dumalo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y nakatakdang paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Atonio Sanchez dahil sa batas hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa isang panayam, sinabi ni VACC President Arsenio “Boy” Evangelista na nakakalungkot ang napabalitang hindi pagdalo ni Faeldon sa naturang pagdinig bukas, Setyembre 2.
Dahil sa public accountability at command responsibility sa usapin, iginiit ni Evangelista na marapat lamang na dumalo sana si Faeldon sa Senate inquiry.
Kahapon, nagpasabi na ang opisina ni Faeldon na hindi makakadalo ang opisyal sa pagdinig dahil dadalo ito sa isang seminar na isasagawa ng Canadian Embassy.
Tatalakayin sana sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ang impending release ni Sanchez alinsunod sa Republic Act No. 10592 nagbabawas sa prison term ng mga bilanggo batay sa kanilang good conduct.