-- Advertisements --

Bumaba ang utang ng pamahalaan sa P12.50 trillion sa pagtatapos ng Mayo 2022 mula sa dating P12.76 trillion noong pagtatapos ng Abril 2022.

Sa inilabas na impormasyon ng Bureau of Treasury, lumalabas na bumaba sa P267.4 billion o katumbas ng 2.1% ang kabuuang utang ng gobyerno para sa buong buwan ng Mayo.

Bunsod umano ito ng pagbabayad sa provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Bago ito, sinabi ng Department of Finance (DoF) na nabayaran na nito ng buo ang P300 billion na utang sa BSP ng mas maaga kaysa sa schedule.

lumalabas na ang 30.7% ng utang ay mula sa labas ng bansa, habang ang 69.3% ay domestic borrowings.