-- Advertisements --

Pinabagsak ng US warship ang dalawang drones mula sa Houthi rebels habang sila ay lumalayag sa Red Sea.

Ayon sa US defense official na rumesponde lamang ang USS Carney sa tawag mula sa civilian commercial vessel na M/V Unity Explorer na target ng ballistic missile.

Ang warship na siang Arleigh Burke class destroyer ay nakatalaga bilang bahagi ng USS Gerald R. Ford Carrier Strike Group.

Una ng inako ng Houthi-run Yemeni Armed Forces ang nasabing atake gamit ang kanilang naval forces na pinaghihinalaan nilang barko umano ito ng Israe.

Ang hakbang na ito ng mga Houti rebels ay paraan para pigilan ang mga barko ng Israel na lumayag sa Red Sea.