Tututok umano sa support services ng Department of Agrarian Reform (DAR) si Undersecretary Nina Taduran, matapos una nang kumalas sa DSWD.
Nabatid na personal siyang inalok ng puwesto ni DAR Secretary Conrado Estrella III.
Si Taduran ay dating kongresista, bago naging undersecretary sa ilalim ng pamumuno ni dating Social Welfare Sec. Erwin Tulfo.
Binigyang-diin ni Taduran ang commitment ng kanyang tanggapan, na isa sa tatlong haligi umano ng ahensya para sa pagtalima sa nine land reform priorities ni Sec. Estrella.
Kabilang dito ang intervention on land tenure problems; agrarian justice delivery; intervention for support services; intervention for medical expenses; intervention for medical; intervention for technical skills; intervention for farm-to-market roads; intervention for diversified income sources; at intervention for irrigation.
Samantala, nagbabala naman si Estrella sa mga tiwaling opisyal at empleyado na magdalawang isip ang mga ito sa kanilang mga balaking dungisan ang kanyang pangalan at ang ahensya, dahil tiyak na may kalalagyan ang mga ito.
Bago napunta sa DAR, si Taduran ay miyembro ng 18th Congress ng House of Representatives kung saan nya nakasama si Sec. Estrella.
-- Advertisements --