-- Advertisements --

Pinanatili pa rin ng United States Department of Agriculture (USDA) ang projection nito sa magiging rice import ng Pilipinas sa susunod na taon.

Batay sa report ng USDA, maaaring maabot ng Pilipinas ang 3.5 milyong metriko tonelada ng aangkatin na bigas, mas mababa mula sa dating 3.8 milyong metriko tonelada.

Katwiran ng USDA, maaaring mas mababa ang aangkating bigas kumpara sa dating prjection dahil sa nawawalan ng interes ang mga importers na lalo pang umangkat ng bigas dahil sa mas maiksing deadline.

Una kasing iniksian ng DA ang effectivity ng mga import permits para matiyak ang maayos na compliance at sapat na supply ng bigas sa mga merkado.

Ito ay batay sa isang memorandum na inilabas ng DA kamakailan kung saan dapat ay naipasok na sa bansa ang mga inangkat na bigas sa loob ng 60 days mula sa paglalabas ng sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC). Ito ay kapag galing lamang sa mga bansa sa Southeast Asia, maliban sa Myanmar, ang aangkating bigas.

Kung galing naman sa ibang mga bansa na nasa labas ng ASEAN, kasama ang Myanmar, 90 days ang palugit dito.

Ayon sa USDA, maaaring maka-apekto ang iniksiang validita ng mga sanitary permit na iniisyu sa mga importer, kayat mas mababa ang volume ng bigas na maaaring angkatin ng bansa.