-- Advertisements --

Nakikipagtulungan na rin ang iba’t ibang international humanitarian organizations sa pamahalaan para tumulong sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Kristina Dadey, ang Chief of Mission ng International Organization for Migration, na nakikipatulungan sila sa Philippine Coast Guard upang maiparating sa mga apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette ang kanilang tulong.

Kabilang sa mga ibinibigay nila ng USAID ay mga shelter grade tarps, personal protective equipments, at medical services na rin.

Ipapadala ang mga ito sa Southern Leyte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, iba pang bahagi ng Visayas at Caraga regions.

Sinabi ni Dadey na higiti na nangangailangan din sa ngayon ang mga apektadong residente ng mga pagkain, hygiene kits, at iba pa.

Hirap din aniya ang mga ito dahil ilan sa mga sinalantang lugar sa bansa ay wala pa ring kuryente at kulang ang supply ng tubig.