-- Advertisements --

Makakapaglaro pa rin sa 2024 Paris Olympics ang USA Basketball team kahit na tinalo sila ng Lithuania sa ikalawang round ng FIBA Basketball World Cup.

Sa nasabing laro kasi ay dominado ng Lithuania ang lahat ng quarters kung saan umabot pa sa 21 points ang kanilang kalamangan.

Dahil sa pagkatalo rin ng Brazil, Puerto Rico at Dominican Republic ay nangangahulugan na ang US at Canada ay siyang dalawang top two teams mula sa Americas region na kuwalipikado para sa Olympics.

Sinabi ni USA Basketball Team coach Steve Kerr na kahit na masakit ang kanilang pagkatalo sa Lithuania ay hindi na rin masakit na dadaan pa sila sa qualifying round para makapasok sa Olympics.