-- Advertisements --

Inilabas na ng USA Basketball team ang listahan ng mga manlalaro na sasabak sa Americas Qualifiers campaign ng FIBA Basketball World Cup 2023.

Sa nasabing listahan ay 11 sa kanila ang mga naglaro na sa NBA habang ang dalawa ay mga nagbabalik na mga manlalaro ng koponan.

Nanguna sa listahan ang NBA players na si Frank Mason III at Chasson Randle na siyang nanguna sa bansa para makapasok sa World Cup 2019.

Napiling coach naman ng USA Basketball si Jim Boylen.

Magsisimula ang laro sa Nobyembre 28 sa Mexico at susunod sa Chihuahua, Mexico sa Nobyembre 29.

Magiging bubble format ang nasabing laro sa FIBA Basketball World Cup 2023.