-- Advertisements --
Balik sa pagiging numero 1 ng FIBA ranking ang USA Basketball team.
Nabawi ng Team USA ang puwesto mula sa Spain na naging number 2 na kahit na bigo silang magwagi sa katatapos na FIBA World Cup.
Ang FIBA World Cup champion naman na Germany ay nasa pangatlong puwesto na.
Noong Nobyembre 2022 ng nahigitan ng Spain ang US na siyang nagtapos sa 12-taon na hawak ng US ang nasabing puwesto.
Nasa pang-anim na puwesto naman ang Canada na nagwagi ng bronze medal habang pang-walong puwesto ang Latvia na nakapasok sa quarterfinals sa unang sabak nito sa World Cup.