-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US Navy Secretary Carlos Del Toro na ang susunod na Arleigh Burke Destroyer (USS Telesforo Trinidad DDG-139) na isang warship ay ipinangalan kay Fireman 2nd class Telesforo De La Cruz Trinidad ang tanging Pilipino US navy na recipient ng Medal of Honor.

Ayon kay Secretary Del Toro ang pagpangalan sa isang Filipino-American sailor ay dahil sa kabayanihan na ipinakita nito kung saan ni rescue nito ang kaniyang kasamahan na crew members na sina Fireman 2nd Class R.W. Daly na nasugatan ng masunog ang kanilang barko ang UUS San Diego nuong January 21,1915 mahigit isang century na ang nakalipas.

Sa kabila ng sugat na kaniyang tinamo, ni-rescue ni Trinidad ang isa pang kasamahan.

Sa nasabing insidente nasunog ang mukha ni Trinidad matapos masabugan ng boiler.

Sinabi ni Del Toro, first time niyang nalaman ang kabayanihan ni Petty Officer Trinidad ng magtungo ito sa Naval academy matapos maupo sa pwesto, kaya nais niya parangalan ang heroic actions sa pamamagitan ng pagpangalan sa kaniya ang isang barko ng Amerika.

Giit ni Del Toro ang nasabing barko at ang mga magiging crew nito at isang critical piece para palakasin pa ang maritime superiority ng Amerika na hindi nakakalimutan ang rich culture and history ng naval heritage.”

Si Trinidad ay ipinanganak nuong November 25, 1890 sa Aklan.

Dahil sa kaniyang ipinakitang katapangan, pinarangalan si Trinidad ng US navy ng Medal of Honor, kung saan siya ang kauna-unahang Filipino-American na pinarangalan ng pinaka mataas na award sa US naval force.

Si Trinidad ay namatay nuong 1968 sa edad na 77 years old.

Binigyang-diin din ni Sec. Del Toro ang kahalagahan ng isang US warship destroyers, na siyang nagsisilbing backbone ng US navy’s surface fleet.

Isang malaking karangalan naman sa mga Pilipino na ang isang kalahi natin ay kinilala ang kaniyang kabayanihan.