-- Advertisements --

Walang plano ang White House na maglunsad ng sariling imbestigasyon sa ginawang airstrike ng Israel na ikinasawi ng pitong aide workers.

Ayon kay National Security Council spokesperson John Kirby na ang unang pahayag ni Secreary of State Antony Blinken na magsagawa ng independent investigation ay bago pa man magkausap sina US Presdient Joe Biden at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ang investigation report kasi ng Israel ukol sa insidente ay ipinasa rin sa US.

Una rito ay nanawagan ang World Central Kitchen na magsagawa ng independent investigation dahil wala silang tiwala sa gagawing imbestigasyon ng Israel.