Binigyang diin ng China na ang Estados Unidos ay walang karapatang makisangkot sa mga problema sa pagitan ng China at Pilipinas, sinabi ng Chinese foreign ministry noong Huwebes (Oktubre 26) sa isang regular na press briefing.
Ayon kay Chinese foreign ministry spokesperson Mao Ning, ang U.S. ay hindi partido sa isyu ng West Ph Sea at hindi na dapat nakikialam.
Matatandaan na sinabi ni U.S. President Joe Biden kamakailan sa White House na ang pangako ng Amerika sa pagtatanggol ng Pilipinas ay nananatiling matatag.
Ito’y matapos akusahan ng China ang Ph ukol sa mapanganib at labag sa batas na mga aksyon sa West Ph Sea.
Ang China at Pilipinas kamakailan ay nagkaroon ng panibagong insidente kung saan nagkabanggan ang isang Chinese at Filipino vessel sa pagsasagawa ng resupply mission sa Brp Sierra Madre saa Ayungin Shoal.