-- Advertisements --

Walang balak ang US na magpadala ng mga fighter jets sa Ukraine para tuluyang maitaboy ang mga Russian forces.

Ayon kay US President Joe Biden na maari silang magbigay ng mga military supports subalit hindi ang mga fighter jets.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng kahilingan ni Ukrainian Air Force spokesman Yuriy Ihnat na nangangailangan sila ng hanggang 200 role fighter jets gaya ng F-16 para maipagtanggol nila ang kanilang airspace.

Pinangangambahan kasi ng US at United Kingdom na kapag nagbigay sila ng mga fighter jets ay baka lalong lumala ang giyera sa Ukraine na magresulta pa sa paggamit ng Russia ng nuclear weapons.

Una ng sinabi naman ni French President Emmanuel Macron ang pagbibigay ng mga fighter jets bilang pagpapaigting ng suporta nila sa Ukraine laban sa mga Russian forces.