-- Advertisements --
image 261

Hindi ikinabahala ni Vice President Kamala Harris ang panibago na namang pagpapakawala ng missile test ng North Korea at itutuloy pa rin ang pagbisita sa Seoul, South Korea at sa kontroberisyal na Demilitarized Zone (DMZ).

Ang naturang hangganan ang siyang naghihiwalay na boundary sa pagitan ng dalawang Koreas.

Sinasabing ang nakatakdang pagbisita ni harris ay upang ipakita ang matibay na commitment ng US lalo na sa seguridad ng South Korea.

Una rito, nagpakawala ng dalawang short-range ballistic missiles ang North Korea na tumama sa east coast ng South Korea.

Ang naturang missile test ay pangalawa na mula nitong nakalipas na Linggo matapos ding magsagawa ang South Korea at US forces ng military drill na kalahok ang aircraft carrier.