-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng US kung paano malayang makadaan ang mga trigo na galing sa Ukraine.

Ito ay matapos na harangin ng Russia ang mga pantalan kung saan dumadaan ang mga inaangkat na trigo ng Ukraine.

Sinabi ni White House national spokesperson John Kirby, na patuloy ang pakikipagpulong ni US President Joe Biden sa mga kaalyadong bansa para matulungan ang Ukraine.

Iginiit ng US na ginagamit ng Russia ang pagharang sa mga trigo ng Ukraine para magkaroon ng krisis sa pagkain.