-- Advertisements --

Walang nakikitang masama si Albay Rep. Edcel Lagman sa desisyon ng United States Senate na ipagbawal na makapasok ng America ang mga opisyal na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Sinabi ni Lagman na ang hakbang na ito ay pagtupad lamang ng American solons ng kanilang immigration laws kaya hindi ito pakikialam sa soberenya ng Pilipinas.

“The implementation of an immigration policy belongs to the host State’s exclusive sovereign jurisdiction,” ani Lagman.

Iginiit ng kongresista na “sole prerogative” ng Amerika kung sino lang ang maari at hindi puwedeng makapasok sa kanilang teritoryo.

Hindi aniya maaring kuwestiyunin ng ibang gobyerno o partido ang basehan ng “exclusionary act of sovereignty” na ito ng mga American solons.

Kung tutuusin, ang mga opisyal aniya na bumabatikos sa naturang hakbang ang siyang nanghihimasok sa sovereign right ng America.

“The freedom of public discourse allows officials of one country to criticize or even condemn the acts of officials and other country for genuinely percieved or actual violations of civil, political and human rights of the latter’s own citizen,” dagdag pa nito.