-- Advertisements --

Tiniyak ng US na hindi nila kikilalanin ang gagawing annexations ng Russia sa mga lugar ng Ukraine na kanilang sinakop.

Ayon kay US national security adviser Jake Sullivan na ang hakbang na ito ng Russia ay isang uri ng pagpapakita ng kahinaan.

Minamadali aniya ng Russia ang referendum dahil sa patuloy ang kanilang pagkatalo.

Magugunitang plano ng Russia na isama sa botohan ang mga Ukrainian territory na kanilang sinakop.