-- Advertisements --
Tinalo ni Taylor Fritz si Rafael Nadal sa ATP Indian Wells Masters finals.
Nakuha ng ranked 20th sa buong mundo ang score na 6-3, 7-6 (7/5).
Dahil sa panalo ay tinapios na nito ang perfect 20-0 run ng 21-time Grand Slam champion ngayong 2022.
Kahit na mayroong injury ito sa kaniyang right ankle ay nagawa pang talunin ng 24-anyos na American tennis star ang 35-anyos na Spanish tennis player.
Siya ang unang Americans na maging champion sa Indian Wells mula noong 2001 ng makuha ni Andre Agassi at pinakabatang Indian Wells men’s winner mula noong makuha ni Novak Djokovic ang titulo noong 2011.
Inanunsiyo rin ni Nadal ang hindi nito pagsali sa Miami Masters sa susunod na linggo para ipahinga ang kaniyang katawan.










