-- Advertisements --
Bumuhos ang pakikiramay sa naiwang pamila ni US Supreme Court Justice Ruth Bader Ginsburg makaraang bawian ito ng buhay sa edad na 87 ngayong araw.
Si Ginsburg ay namatay dahil sa komplikasyon sa metastatic pancreas cancer.
Itinalaga si Ginsburg sa kaniyang posisyon ni President Bill Clinton noong 1993 at sa mga nagdaang taon ay siya ang nagsilbing senior member ng liberal wing sa korte.
Walang palya itong bumoboto pabor sa mga divisive social issues tulad ng abortion rights, same-sex marriage, voting rights, immigration, at health care.
Dahil sa pagkamatay ni Ginsburg ay inaantabayanan na ng mamamayan ng Amerika kung sino ang itatalagang kapalit ni President Donald Trump.