Kasabay nang preparasyon ng buong mundo sa mabilis na pagkalat ng coronavirus infectious disease (COVID-19) ay ang paghahanda rin ng mga investors mula sa iba’t ibang bansa sa posibilidad ng global recession.
Patuloy na naghahanda ang US stock market sa muling pagbagsak ng share prices dahil sa pagkaantala ng international travel at supply chains kasunod pa rin ng coronavirus outbreak.
Pinanganagambahan naman ngayon na maaaring makaranas ng recession sa Estados Unidos at Europa dahil sa naturang sakit.
Bumagsak ang Asian stocks kung saan ang benchmark na S&P 500 index ay bumaba ng halos 4%.
Bumulusok din ng halos 1,200 points ang Dow Jones Industrial average o halos 4.4%. Mas mababa ito ng 13% noong Pebrero 12.
Kaugnay nito ay kabi-kabilang kritisismo ang ibinato kay US President Donald Trump dahil sa pamamaraan umano nito ng pagkontrol sa krisis. Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala matapos nitong italaga si Vice President Mike Pence bilang coronavirus czar.