Tiniyak ng US State Department na kanilang papanagutin ang mga nasa likod ng pagpaslang sa dalawa sa apat na dinukot na Americans sa Mexico.
Sinabi ni US State Department spokesperson Ned Price na dapat managot ang mga nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa kanilang mga kababayan.
Mula ng iulat ang pagkawala ng apat na Americans ay hindi umano tumigil ang mga otoridad sa Mexico na hanapin ang mga ito.
Sinabi ni Mexico’s Secretary of Security Rosa Icela Rodríguez na tuloy-tuloy ang kanilang komunikasyon sa US ambassador at ilang mga opisyal ng US ukol sa insidente.
Magugunitang natagpuang patay ang dalawang biktima na kinilala na sina Shaeed Woodard at Zindell Brown.
Isasailalim ng mga otoridad sa pagsusuri ang bangkay ng mga biktima bago ito ipasakamay sa US.
Kinilala naman ang mga nakaligtas na sina Latavia Washington McGee at Eric Williams kung saan sila ay dinala sa pagamutan at inoobserbahan na.
Ibinunyag naman ni Tamaulipas Gov. Américo Villarreal na mayroon na silang naaresto na 24-anyos na suspek sa pagdukot sa mga biktima.