-- Advertisements --
Naglabas ang US state department ng “worldwide caution security alert” para sa kanilang mamamayan na dahil sa malaking posibilidad ng pag-atake.
Ayon sa US State Department na mararapat na mag-ingat dahil sa tumaas na tensiyon sa buong mundo dahil sa kaguluhan sa Israel at Hamas militant.
Nakasaad pa sa nasabing advisory na dapat ay maging laging alerto sa pagtungo sa mga tourist spots.
Pinayuhan din nila ang mga American citizens na makipag-ugnayan sa mga embahada na mga bansang kanilang pinupuntahan.