-- Advertisements --
Tinanggal na ng US Soccer ang pagbibigay parusa sa mga manlalaro na luluhod bilang protesta habang pinapatugtog ang kanilang national anthem.
Sa ginawang botohan ay mayroong mahigit 70 percent kasi na mga miyembro ng US Soccer na bumuto na para tanggalin na ang polisiya na dapat ay tumayo at rumespeto sa tuwing kanta.
Ayon kay US Soccer President Cindy Parlow Cone na isang matinding desisyon ang nasabing ginawang botohan.
Magugunitang maraming mga sports personalities ang nagsagawa ng pagluluhod bilang protesta sa racial discriminations.