-- Advertisements --
Pansamantalang itinigil ni Billie Eilish ang kaniyang concert sa O2 Arena sa London matapos na maraming mga fans nito ang nahirapang huminga at nahilo.
Ito ay dahil sa sobrang init ng panahon sa lugar kung saan pinayuhan niya ang mga fans na magbigay ng kaunting espasyo para makahinga ng maluwag ang mga audience.
Pinayuhan na niya rin ang mga security sa lugar na magbigay ng tubig sa mga tao para maibsan ang init ng nararamdaman.
HIndi lamang ito ang unang beses na huminto ang singer sa kaniyang concert para i-check ang kaniyang mga fans dahil noong Pebrero sa Atlanta ay huminto rin ito matapos na makita ang isang audience na hirap ding huminga.