-- Advertisements --

Napilitang magtago ang mga delagasyon ng Senado mula sa US habang nasa Israel.

Sinabi ni US Senate Majority Leader Chuck Schumer na agad silang nagtago sa shelter sa Tel Aviv dahil sa banta ng missile attack mula sa Hamas.

Dagdag pa nito na dahil sa naranasan nila ang pinagdadaanan ng mga taga Israel kaya mararapat na tulungan sila.

Nakapulong ni Schumer ang ilang mataas na opisyal ng Israel sa kaniyang pagbisita.

Magugunitang tiniyak ng US ang buong tulong sa Israel para labanan ang Hamas.