-- Advertisements --

Surpresang binisita ni US Secretary of State Antony Blinken ang Ukraine.

Ito na ang pangatlong beses na bumisita sa bansa mula ng lumusob ang Russia noong Pebrero.

Isinagawa nito ang biyahe ilang araw mula ng maglunsad ang Ukraine ng kanilang counteroffensive na ang layon ay mabawi ang mga nasakop ng Russia.

Kasabay din nito ay nagpulong sina Ukrainian Defense Minister Oleksii Reznikov at US Defense Secretary Lloyd Austin sa Ramstein Air Base sa Germany.