-- Advertisements --

Binatikos ni US Secretary of State Antony Blinken ang China dahil sa pagtatanggol nito sa Russia.

Sinabi ni Blinken na dapat ay maalarma na ang maraming bansa dahil sa hakbang na ito ng China.

Kahit na pinaplano pa lamang ng Russia ang pag-atake sa Ukraine ay idineklara ni Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin na walang hangganan ang kanilang pagkakaibigan.

Paglilinaw ni Blinken na hindi nagsisimula ang US ng cold war sa China.

Pagtitiyak naman nito na patuloy na nakabantay ang US sa anumang hakbang ng China at Russia.