-- Advertisements --

Sorpresang bumisita sa Ukraine si US Secretary of Defense Lloyd Austin.

Personal itong nakipagpulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at ilang opisyal ng militar ng bansa.

Sa kaniyang talumpati, sinabi nito na nananatiling matatag pa rin ang suporta ng US sa Ukraine.

Ito ay kahit na mayroong nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at mga Hamas.

Ang kaniyang pagbisita ay bahagi ng pagpapakita ng US na sila ay nasa likod ng Ukraine habang ipinaglalaban nito ang kaniyang kalayaan sa pananakop ng Russia.