Inaresto ng mga kapulisan sa Los Angeles si award-winning rapper Lil Nas X.
Ayon sa mga otoridad , narespondihan nila ang tawag matapos na isang lalaki ang nakitang palakad-lakad sa kahabaan ng Ventura Boulevard na naka-underwear lang.
Pagdating ng mga kapulisan ay nakita nila ang rapper at ito ay kanilang inaresto dahil sa pakikipag-alitan sa mga kapulisan.
Sinabi ni Los Angeles Police Department (LAPD) spokesman spokesman Charles Miller na dinala siya sa pagamutan dahil sa posibleng overdose.
Sa kumalat na video ay makikitang naka-underwear at cowboy boots ang rapper at ito ay sumasayaw kung saan inimbitahan pa ang mga tao na samahan siya.
Isinilang bilang si Montero Lamar Hill na siya ang naging unang openly gay na nakatanggap ng Country Music Association award sa kanta nitong Old Town Road noong 2019.