Ibinunyag ni New York City Mayor Eric Adams na plano ng suspek sa pamamaril na dumiretso sa opisina ng National Football League.
Ayon sa alkalde na nagkamali lamang ang suspek na si Shane Devon Tamura na pinasukan na opisina.
Gamit ng 27-anyos na suspek ang isang AR-15 at pinagbabaril ang apat na biktima.
Ilan sa mga nasawi ay ang empleyado ng gusali at guwardiya ng gusali.
Nagpadala na rin ang mga otoridad ng New York sa Las Vegas kung saan naninirahan ang suspek.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na may galit ang suspek sa NFL subalit namali lamang ito na gusali na napasok.
Ang ama ng suspek ay isang dating pulis sa Los Angeles na nanilbihan ng mahigit 18 taon.
Nakita rin sa sasakyan ng suspek ang isa pang baril at mga bala.
Base sa inisyal na imbestigasyon na ang suspek ay naipasok na rin sa psychiatric hospital mula 2023 hanggang 2024.