Inihayag ni Pangulong Joe Biden ang pagbabalik ng pitong Amerikano na sinabi niyang maling nakulong sa Venezuela sa loob ng ilang taon.
Kung saan pinalaya ang pitong detainees kapalit ng pagpapalaya sa dalawang Venezuelan na nakakulong sa US.
Ang mga indibidwal na ito ay sina Jorge Toledo, Tomeu Vadell, Alirio Zambrano, Jose Luis Zambrano, Jose Pereira , Mathew Heath, at Osman Khan.
Sina Vadell, Toledo, Jose Luis Zambrano, Alirio Zambrano, at Pereira ay lima sa anim na American oil executive na kilala bilang “CITGO 6” na inaresto sa Venezuela mahigit apat na taon na ang nakararaan.
Dalawang Amerikano na umano ang nakakulong doon, kabilang ang isa sa CITGO 6, ay pinalaya noong Marso kasunod ng pagbisita ng dalawang nangungunang opisyal ng gobyerno ng US sa Caracas.
Si Heath, isang beteranong Marine, ay nakulong noong Setyembre 2020 habang Si Khan ay nakulong mula Enero 2022. Lahat ng pitong indibidwal ay inuri ng gobyerno ng US bilang maling pagkakakulong.
Nakipag-usap naman si Biden sa bawat isa sa mga pamilya upang ibahagi ang mabuting balita ng kanilang paglaya. (report from Bombo Chill Emprido)