-- Advertisements --
image 314

Tinawag ni US President Joe Biden na diktador si Chinese President Xi Jinping at napahiya umano ito matapos na pabagsakin ang Chinese balloon na pinalipad nito sa Amerika kamakailan.

Ginawa ni Biden ang naturang pahayag sa ginanap na fundraiser sa California isang araw matapos makipagkita si Secretary of State Anthony Blinken sa Pangulo ng China sa kaniyang pagbisita sa nasabing bansa upang pahupain ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Biden na galit si Xi nang pabagsakin ang kanilang Chinese balloon na may lamang dalawang box cars na puno ng spy equipment.

Maaalala na noong Pebrero isa umanong Chinese spy baloon ang namataan sa airspace ng US. Isa lamang ito ay ang palitan ng pagbisita ng mga opisyal sa pagitan ng US at Taiwan ang nagpasidhi ng sigalot sa pagitan ng US at China.

Sa pagpupulong naman nina Blinken at Chinese Pres. Xi napagkasunduan ang pag-stabilize sa umiigting na kompetisyon sa pagitan ng dalawang bansa upang hindi ito magdulot ng conflict subalit nabigong makabuo ng anumang major breakthrough sa pambihrang pagbisita ng Secretary of State sa China.

Subalit napagkasunduan ang diplomatic agreement para masundan pa ang pagbisita ng mga US officials sa China mga susunod na araw at buwan.