-- Advertisements --
image 174

Sinimulan ni US President Joe Biden ang kanyang huling araw sa Group of 20 Summit na nakikitungo sa isa pang krisis na nakapalibot sa digmaan ng Russia sa Ukraine – sa pagkakataong ito ay kinasasangkutan ng isang kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization o NATO.

Nagsaggawa ng emergency roundtable si Biden kasama ang mga world leaders sa Bali, Indonesia.

Ito ay may kaugnayan sa nangyaring pagsabog sa Poland na ikinamatay ng dalawang tao.

Sa inilabas na pahayag ni Biden, sinabi rito na iniimbestigahan nila ang nasabing kaso.

Nauna nang inihayag ng foreign ministry ng Poland na ang “Russian-made missile” ay nahulog sa isang village ng nasabing bansa.

Hindi pa natukoy ang uri ng missile o kung saan ito pinaputok.

Magugunitang, nakipag-usap din si Biden sa pangulo ng Poland at sa pangkalahatang kalihim ng North Atlantic Treaty Organization o NATO.