Nagbabala si US President Joe Biden na magiging lubhang mapanganib ang sitwasyon sa Gaza kapag hindi nagkaroon ng ceasefire bago magsimula ang Ramadan sa Marso.
Sinabi rin ni Biden na walang ‘excuses’ ang ginawa ng Israel sa pagharang ng mga humanitarian aid na ipinapadala sa Gaza mula sa iba’t ibang bansa at international organizations.
Kaya naman nagpadala na rin ng second airdrop ng mga tulong ang US military. Ngunit dismayado rin si Biden sa Hamas sa pagpigil ng peace talks at ilang kondisyon nito gaya ng pagpapalaya sa mga hostages.
Ayon kay Biden, nasa kamay na umano ng Hamas kung magkakaroon ng ceasefire dahil nakikipagtulungan naman daw ang Israel sa pagkakaroon nito.
Nababahala rin kasi si Biden na kapag wala pang ceasefire pagsapit ng Ramadan ay magiging lubhang delikado ang Israel at Jerusalem.