Umaasa si US President Joe Biden na magkakaroon na ng ceasefire o tigil putukan sa Gaza simula sa susunod na linggo.
Sa gitna ng nararanasang humanitarian crisis sa Palestinian territory, namamagitan ngayon ang mga kinatawan mula sa Egypt,Qatar, US at FRance para sa ceasefire sa labanan pagitan ng Israel forces at militanteng Hamas at pagpapalaya sa mga bihag na Israeli sa Gaza kapalit ng mga dose-dosenang Palestinian prisoners na hawak ng Israel.
Sa pagbisita ni Biden sa New York, sinabi umano ng kaniyang national security na malapit ng makaroon ng kasunduan para sa naturang plano subalit hindi pa aniya ito natatapos.
Sa kasalukuyan, base sa health ministry na pinapatakbo ng Hamas, aabot na sa 29,782 katao sa Gaza ang napatay, karamihan ay kababaihan at bata sa gitna ng nagpapatuloy na operasyon ng Israeli military sa naturang teritoryo.