-- Advertisements --
image 271

Nakatakdang maglabas ng kasagutan sa susunod na linggo ang kampo ni US President Joe Biden kung muli siyang tatakbo bilang pangulo ng Estados unidos.

Ito ay sa pamamagitan ng isang video presentation na kasalukuyan na umanong inaayos ng kampo ni Biden.

Batay sa mga report, posibleng sa susunod na Miyerkules, oras sa Pilipinas ay ilalabas na ang nasabing video. Ang nasabing araw kasi ay ang anibersaryo rin ng pagkumpirma ni Biden sa kanyang pagtakbo para sa 2020 US Presidential elections.

Gayonpaman, bagaman wala pang katiyakan kung tatakbo talaga si Biden para sa kanyang reelection, ilan sa kanyang mga close aids ang una nang nagsabing malaki ang posibilidad na hahabulin ni Biden ang reelection.

Oras na kumpirmahin ni Biden ang muling pagtakbo, agad ding bubuksan ng kanyang kampo ang fund-raising projects, na siyang magiging daan para sa kanyang malawakang kampanya.

Matatandaang nanalo si Biden noong November 2020 US elections laban kay dating US President at reelectionist Donald Trump. Masasabing landmark ang naging panalo ng pangulo noon dahil ilan sa mga estado sa US ang nagbigay suporta sa Democrat Party ni Biden, kahit na matagal na panahon na naging republican ang mga ito. Kabilang sa mga ito ay ang Alabama, Arizona, Indiana, at iba pa.