-- Advertisements --
JOE BIDEN

Nagpahayag ng suporta si US President Joe Biden para sa humanitarian pause sa giyera sa pagitan ng Israel forces at militanteng Hamas para mapalaya ang mga bihag palabas ng Gaza.

Ginawa ni Biden ang naturang tugon nang isigaw ng isa sa 200 dumalong supporters sa isang campaign event sa Minnesota na nanawagan para sa ceasefire sa gitna ng nangyayaring deadly conflict.

Sinabi din ni Biden na siya ang nangumbinsi kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para sa magkaroon ng ceasefire para palayain ang mga bihag. Siya din aniya ang kumausap kay Egyptian President Abdel Fattah El Sisi para kumbinsihin itong magbukas ng humanitarian corrido sa may border ng Gaza at Egypt para payagang makalikas ang mga papalayaing bihag.

Una ng humiling ang White House para sa humanitarian pause para payagang maipadala at makapasok ang mga tulong sa Gaza para isagawa ang paglilikas subalit tumangging talakayin ang ceasefire dahil magbebentahe lamang aniya dito ang mga militanteng Hamas.