-- Advertisements --
image 370

Hindi natitinag si US President Joe Biden sa impeachment inquiry laban sa kaniya na inilunsad ng US House Republicans.

Ayon kay Biden, ang paglulunsad aniya ng imbestigasyon laban sa kaniya ay para mapabagsak ang federal government.

Sinabi pa nito na sa halip na mabahala sa imbestigasyon, magpopokus na lamang siya sa mga bagay o isyu na nais ng mamamayan ng Amerika na kaniyang tutukan.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Biden sa isyu matapos na ianunsiyo ni House Speaker Kevin McCarthy ang nilulutong impeachment inquiry laban kay President Biden.

Binanggit din ni Biden si Rep. Marjorie Taylor Greene na top ally ni dating US Pres. Donald Trump, na noong unang araw pa lang ng mahalal ito ang nais nitong gawin ay i-impeach si Biden.

Una rito, nag-ugat ang paglulunsad ng impeachment inquiry ng House Republicans kay Biden dahil sa business dealing ng kaniyang anak na lalaki na si Hunter Biden at family finances.

Sa inquiry, tinatangka ng House Republicans na iugnay si Biden sa business dealings ng kaniyang anak upang mailihis umano ang atensiyon mula sa mga kinakaharap na impeachment ni Trump.

Subalit una na ring pinabulaanan ng White House ang pagkakasangkot ni Biden sa business affairs ng kaniyang anak. Wala din aniyang matibay na ebidensiya ang Republicans sa paratang laban sa nakatatandang anak ni President Biden.