-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Malaki ang posibilidad na maging mahigpit na magkalaban muli sa US presidential election sina US President Joe Biden at dating US President Donald Trump matapos ang landslide victory na na nakuha sa primary election ng dating pangulo sa Estado ng Iowa.

Sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay Rufino Pinoy Legarda Gonzales- Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, landslide victory ang nakuha ni Trump sa nakuhang 98 out og 99 counties na kauna unahang nangyari sa Iowa.

Aniya, sa pagkapanalo ni Trump, tila magkakaroon ng bandwagon effect ito sa iba pang estado sa Amerika at makakakuha ng malaking suporta.
Naniniwala si Gonzales na natatakot na ngayon ang Democrats lalo na si US president Joe biden dahil malinaw na sila ni Trump ang magiging mahigpit na magkalaban sa election sapagkat nagwithdraw na ang ibang kalaban ni Trump.

Dagdag pa ni Gonzales, sa kanyang pananaw, galit na ang mga Republican voters dahil sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin at nagaganap na kaguluhan sa ibang bansa na malaki ang ginagampanan na papel ng Estados Unidos.

Iginiit pa nito, walang epekto ang halos100 kasong isinampa kay Trump ngayon dahil sa wala umanong matibay na ebidensya at nananatiling mataas ang kumpiyansa ng mamamayan ng Amerika sa kanya.

Kung manalo si Trump sa halalan, siya ang magiging pangalawang presidente sa kasaysayan ng US election na nakamit ito na unang nangyari kay dating President Grover Cleveland.

Kung parehong hirangin sina Biden at Trump ng kani-kanilang partido, ang Democrats at Republican, ito ang kauna unahang presidential rematch mula noong 1956.

Ang US Presidential Election ay magaganap sa Nobyembre 5, 2024.