Inaprubahan na ni US President Joe Biden ang military transfer sa Taiwan sa ilalim ng Foreign Military Financing(FMF).
Ang FMF ay isang programa ng Estados Unidos na ginagamit sa pagtulong sa mga sovereign states o mga bansang kinikilalang ng Estados Unidos ang kanilang nakaupong pamamahala.
Batay sa impormasyong inilabas ng US Congress, nagkakahalaga ng $80million na pondo ang inilaan dito ng US Government.
Inaasahan ang military transfer ay lalo pang magpapalakas sa kapabilidad ng Taiwan sa usapin ng self-defense, lalo na ang maritime security ng naturang estado.
Ang Foreign Military Financing Program ng US ay pinamamahalaan ng State Department at pangunahing nagbibigay ng tulong o grant sa mga foreign governments.
Ang nasabing grant ay ibinibili ng mga defense equipment mula din sa US, na may kasamang military training, sa ilalim ng Foreign Military Sales Program ng naturang pamahalaan.
Ipinagpasalamat naman ng Taiwan ang panibagong tulong na ito ng US ngunit hindi na nagbigay ng karagdagan pang detalye ang Taiwan defense ministry.
Tanging komento nito na dati nang nagbibigay ang US ng mga tulong sa Taiwan, upang mapalakas ang kapabilidad ng naturang estado.