-- Advertisements --
Tinawag ng US pop star Lizzo na pawang kasinungalingan ang mga ibinabatong akusasyon sa kaniya ng mga dating dancers nito.
Nahaharap kasi sa reklamong sexual harassment at nagsasagawa ng hostile work environment ang nasabing singer.
Sinabi nito na hindi niya gawain na sumagot sa maling alegasyon subalit ang kaso sa kaniya ng dating dancers nito ay sumubra na.
Iginiit nito na handa niyang harapin ang nasabing mga reklamo laban sa kaniya.
Magugunitang inireklamo nina Arianna Davis, Crystal Williams at Noelle Rodriguez ang singer sa korte sa Los Angeles.
Kabilang sa mga reklamo ay ang religious at racial harassment, discrimination, assault at false imprisonment.