-- Advertisements --
Plano ng US na magpasa ng resolusyon sa United Nations Security Councils (UNSC) para mabigyang ng otorisasyon ang “multinational force” na magtutungo sa Haiti.
Una na kasing nagpahayag ang Kenya na manguna sa nasabing misyon.
Sinabi ni US State Department spokesperson Matthew Miller, na kasama nila ang Ecuador para sa pagpasa ng resolusyon.
Nahaharap kasi sa krisis ang Haiti dahil sa lumalalang karahasan mula sa mga gang.
Sa kasalukuyan ay naghahanap pa sila ng ibang bansa na kanilang makakasama na bumuo ng puwersa.