-- Advertisements --
Pinatawan ng sanctions ng US ang pitong senior Russian officials na nasa likod ng paglason kay opposition leader Alexei Navalny.
Kabilang din dito ang 14 na mga negosyo na sangkot sa chemical productions.
Naniniwala kasi ang US Intelligence na ang Russian government ang nasa likod ng nerve-agent attack kay Navalny sa Siberia noong nakaraang taon.
Ito na ang unang sanctions na ipinatupad ni US Presdient Joe Biden laban sa Russia.
Ayon kay Biden na nakipag-ugnayan muna sila sa European Union bago ipatupad ang sanctions.