-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng Madrid Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos ang impresibong panalo laban sa Russian veteran Anastasia Pavlyuchenkova sa score na 6-3, 6-3.

Dominado ng Pinay world number 44 ang laro kung saan tinapos niya ang laro sa loob ng isang oras at 31 minuto.

Humanga ang 34-anyos na Russian tennis star sa naging performance ni Eala.

Susunod na makakaharap ni Eala ay si Elise Mertens ng Belgium.

Maglalaro din si Eala sa doubles kasama ang Zeynep Somnez ng Turkiye.