-- Advertisements --

Pinahintulutan na ng United States government ang Johnson & Johnson’s COVID vaccine para sa emergency use, ito na ang ikatlong shot sa bansa bilang hakbang para labanan ang outbreak ng nakamamatay na virus kung saan nasa mahigit 500,000 Amerikano na ang nasawi.


“The authorization of this vaccine expands the availability of vaccines, the best medical prevention method for COVID-19, to help us in the fight against this pandemic, which has claimed over half a million lives in the United States,” ayon kay acting Food and Drug Administration director Janet Woodcock.

Iniulat naman ng Johnson & Johnson nuong buwan ng Enero na ang single-dose vaccine ay nasa 72% effective para maiwasan ang COVID-19 sa United States subalit nasa 66% efficacy ang naobserbahan globally sa isinagawang large trial sa tatlong continents.

Sa isinagawang trials sa halos 44,000 volunteers, nabatid na ang level of protection against moderate and severe COVID-19 ay 66% sa Latin America at nasa 57% naman sa South Africa. (AFP,Reuters)